(Naitala sa CALABARZON) 26 SUGATAN VS FIRECRACKERS

AABOT sa 26 kaso ng firecrackers injuries ang naitala ng Department of Health-Center for Health Development (DOH-CHD) simula nitong Disyembre 21 hanggang sa pagsalubong ng Bagong Taon sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon (CALABARZON).

Base sa ulat ng DOH-CHD, karamihan sa nasugatan ay 20 kalalakihan na may edad 6 hanggang 65 kung saan ang pinakaapektado ay 12-anyos pababa.

Kabilang sa mga paputok ay kuwitis na may 10 ang sugatan, Boga ay 5 naman habang 3 naman sa whistle bomb at 5-star ay 2; Piccolo ay 2; Fountain ay 1 habang sa unknown firecrackers ay 3 ang nasugatan.

Wala naman naitalang namatay dahil sa firecrackers sa pagsalubong ng Bagong Taon subalit inaasahan ng DOH-CHD na tataas pa ang kaso ng fireworks-related injuries sa mga susunod na araw matapos ang 2 taon na quarantine.

Nagsagawa naman ng suprise inspection si Regional director Valencia sa Manila East Medical Center sa Taytay, Rizal para masiguro ang kahandaan ng health facility sa pagtanggap ng mga pasyente na biktima ng paputok.

Samantala, aabot naman sa P260K halaga ng illegal firecrackers na nakumpiska sa iba’t ibang bayan at lungsod sa Cavite ang ipinag-utos ni Cavite police director Col. Christopher Olazo na wasakin sa loob ng Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, Cavite kahapon ng umaga. MHAR BASCO