(Naitala sa loob ng 13 araw) ZERO DEATHS SA COVID-19

NAKAPAGTALA ang lokal na pamahalaan ng Pasay ng walang namatay na pasyenteng may kaugnayan sa COVID-19 sa loob ng 13 araw.

Ayon sa pamahalaang lokal,ang pagtatala ng zero deaths sa loob ng 13 araw ay isang magandang palatandaan na alam na ng mga residente kung papaano nila protektahan ang kanilang mga sarili laban sa COVID-19.

Sa huling datos nitong,Hulyo 6 ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), sa kabuuang 201 barangay sa lungsod ay 170 ang idineklarang COVID-19-free habang ang 31 o katumbas ng 16 porsiyento ang barangay na nananatiling may mga residente na aktibo pang kaso ng COVID-19.

Walong barangay na lamang na mayroong dalawang kaso o higit pa ang mga nakapailalim sa local enhanced community quarantine (LECQ).

Sa report din ng CESU, nakapagtala ang lungsod ng 14,596 kumpirmadong kaso kung saan 14,152 ay mga nakarecover na at tuluyang nagpapagaling.

Makikita rin sa datos ng CESU na mayroon pang 53 aktibong kaso kabilang na ang 14 na bagong kaso ng virus habang 391 naman ang naiulat na binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Kaya’t paalala sa mga residente na magparehistro sa programang baksinasyon ng lokal na pamahalaan na “Vacc to the Future” upang maging ligtas sa COVID-19.

Sa kasalukuyan, ang lokal na pamahalaan ay nakapagturok na ng 186,461 vaccines na naibakuna sa mga residente na napapabilang sa mga kategorya ng A1 hanggang A5. MARIVIC FERNANDEZ

9 thoughts on “(Naitala sa loob ng 13 araw) ZERO DEATHS SA COVID-19”

  1. 97168 620143You completed a number of nice points there. I did a search on the issue and found almost all folks will have exactly the same opinion together with your blog. 329745

  2. 504427 7641Outstanding read, I lately passed this onto a colleague who has been performing just a little research on that. And the man in fact bought me lunch because I came across it for him smile So allow me to rephrase that: Appreciate your lunch! 117873

Comments are closed.