IPINAHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya na umaabot sa kabuuang 67,609 quarantine violations ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa loob lamang ng isang linggo.
Ayon kay Malaya, ang mga naturang paglabag ay naitala mula Hunyo 1 hanggang 13 lamang. Sa naturang bilang 51,607 ang hindi nagsuot ng face masks, 426 ang lumabag sa mass gatherings, at 15,576 ang nabigong mag-obserba ng physical distancing.
Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ni Malaya ang publiko na maging disiplinado at patuloy na sumunod sa ipinaiiral na health protocols ng pamahalaan laban sa COVID-19.
“Nais po nating paalalahanan ang ating mga kababayan na maging disiplinado at sumunod sa batas para masiguro ang inyong kaligtasan ng inyong mga pamilya at ng inyong mga mahal sa buhay,” ani Malaya.
Sinabi pa ng opisyal na bagaman mas kaunti ang mga violator ng mass gatherings sa nasabing panahon, nagkaroon naman ng pagtaas sa paglabag sa physical distancing rules kumpara sa nakaraang linggo.
“Patuloy pong mag-iikot ang ating mga barangay tanod at kapulisan para paalalahanan at tiketan ang ating mga kababayan na hindi sumusunod sa mga health protocols. Ito po ay para rin naman sa kabutihan at kapakanan nating lahat nang malampasan na natin ang pandemyang ito,” dagdag pa ng opisyal ng DILG.
Ipinaliwanag ng opisyal na ang mga naturang violators ay naaresto ng mga barangay tanod at mga pulis at nai-book na sa paglabag sa mga ordinansa ng mga local government unit(LGU). EVELYN GARCIA
857511 596155Exceptional weblog here! Moreover your web site rather a good deal up quick! What host are you the usage of? Can I get your affiliate link to your host? I wish my site loaded up as quick as yours lol 572875
891922 173736Thank you for the great writeup. It in fact was a amusement account it. Appear advanced to far added agreeable from you! Even so, how could we communicate? 566130
215601 50571Nicely picked details, numerous thanks to the author. Its incomprehensive in my experience at present, nevertheless in common, the convenience and importance is mind-boggling. Regards and all the greatest .. 309236