(Naitala sa nakalipas na 2 taon) P2-B FINANCIAL CONSUMER COMPLAINTS

Governor Benjamin Diokno-3

BILYON-BILYONG halaga ng reklamo mula sa mga consumer hinggil sa financial products and services ang naitala sa nakalipas na dalawang taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa pagtukoy sa kanyang posisyon para sa pagpasa sa proposed Financial Consumer Protection Act, binanggit ni BSP Governor Benjamin Diokno ang paghihirap ng mga consumer sa pagbawi sa kanilang pera mula sa erring institutions.

“Based on BSP data, the declared amount in consumer complaints from 2019 to 2022 reached two billion pesos,” sabi ni Diokno sa isang post sa kanyang official Twitter account.

“More often than not, financial consumers have to go through a long and winding process with unsatisfactory endings in order to reclaim their hard-earned money,” dagdag pa niya.

Iginiit ni Diokno nitong Lunes sa Senado ang agad na pagpasa sa FCP, na, aniya, ay magbibigay ng proteksiyon sa mga consumer sa kanilang araw-araw na financial transactions, at magkakaloob ng dagdag na kapangyarihan sa local regulators.

Saklaw ng panukalang batas ang lahat ng financial products and services, nagtatakda ng protection standards para sa consumers, at nagsusulong ng transparent at responsible pricing.

“The FCP will empower financial regulators to punish erring institutions, from revoking licenses to imposing sanctions in order to enforce responsible business conduct,” ani Diokno.

“More importantly, FCP provides consumers with a faster avenue for redress by granting financial regulators the adjudicatory authority to carry out hearings on consumer complaints, reducing the need to go to court for recourse,” dagdag pa niya.