(Naitala sa Navotas) 10 KASO NG UK VARIANT, 1 SOUTH AFRICAN VARIANT

INIHAYAG ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na may sampung kumpirmadong kaso ng B.1.1.7. o UK variant ng COVID-19 sa lungsod at isa naman ang merong B.1.351 o South African variant, ayon sa pinakahuling report ng Department of Health.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, kabilang sa mga barangay na may ganitong mga kaso ang Brgy. Bagumbayan South, Daanghari, Navotas East, Navotas West, NBBS Kaunlaran, San Jose at Sipac Almacen.

Aniya, lahat ng mga pasyente ay naka-isolate na at ang kanilang mga close contacts ay natukoy at naka-isolate na rin.

Sinabi pa nito, ang mga variant ay mas madaling makahawa kaya maaaring isa ito sa mga sanhi ng mabilis na pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod kaya’t kailangan ang dobleng pag-iingat.

“Kung bata pa at malakas ang katawan, hindi man natin iindahin ang sakit kung tayo ang mahahawaan, maaari namang severe o critical ang epekto nito sa ating mga mahal sa buhay na matatanda na o may sa­kit”, anang alkalde.

“Protektahan natin ang ating kalusugan dahil kaugnay nito ang pagprotekta natin sa a­ting kabuhayan. Kailangan natin ang malusog na pangangatawan para makapaghanapbuhay para matustusan ang pangangailangan ng ating pamilya. Mag-ingat po at sumunod sa safety protocols para hindi mahawaan o makahawa sa iba,” paa­lala nito. EVELYN GARCIA

2 thoughts on “(Naitala sa Navotas) 10 KASO NG UK VARIANT, 1 SOUTH AFRICAN VARIANT”

  1. 655866 55460If youre needing to produce alteration in an individuals llife, during i would say the Are normally Bodyweight peeling off pounds training course are a wide path in the direction of gaining any search. la weight loss 874457

Comments are closed.