NAKAKUHA ang bansa ng P45.9 billion foreign investment commitments sa third quarter ng taon, ayon
sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sinabi ng PSA na ang total approved foreign investments noong Hulyo hanggang Setyembre ay tumaas ng 6.5 percent mula sa P43 billion sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ang commitments ay ginawa ng mga foreign investor sa pitong investment promotion agencies ng bansa na kinabibilangan ng Board of Investments (BOI), Clark Development Corporation (CDC), Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), Cagayan Economic Zone Authority (CEZA), Philippine Economic Zone Authority (PEZA), Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) at BOI-Autonomous Region of Muslim Mindanao (BOI-ARMM).
Tiniyak ng PSA na ang nasabing pledges mula sa foreign investors ay mauuwi sa dagdag na pamumuhunan sa bansa.
Sa unang siyam na buwan ng taon, ang foreign investment pledges ay pumalo sa P91.0 billion, mas mataas ng 8.2 percent sa P84.1 billion year-on-year.
Ang top three prospective investing countries sa third quarter ay ang British Virgin Islands sa P15.5 billion o 33.8 percent ng kabuuan, Malaysia sa P10.7 billion o 23.3 percent, at US sa P4.5 billion o 9.8 percent.
Ayon pa sa PSA, ang electricity, gas, steam, at air conditioning supply ang tatanggap ng pinakamalaking halaga ng approved foreign investments sa third quarter sa P16.1 billion o 35.0 percent share.
“Real eEstate activities came in second at P11.8 billion or 25.6 percent share, followed by manufacturing at P7.6 billion or 16.6 percent share,” dagdag pa nito.
Ang approved foreign investments sa third quarter na nagkakahalaga ng P15.5 billion o 33.7 percent, ay gagamiting pantustos sa mga proyekto sa Northern Mindanao Region.
Comments are closed.