NAGPOSTE ang foreign investment commitments ng double-digit increase sa fourth quarter ng 2022, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa isang statement, sinabi ng PSA na ang foreign investment pledges ay umabot sa P173.61 billion, o mas mataas ng 30.1% kumpara sa P133.47 billion sa naunang taon.
Ang investment pledges ay inaprubahan ng anim na investment promotion agencies ng bansa: Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB), Board of Investments (BOI), BOI-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BOI-BARMM), Clark Development Corporation (CDC), Philippine Economic Zone Authority (PEZA), at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).
Samantala, walang foreign investment commitments ang naitala sa naturang panahon sa Cagayan Economic Zone Authority (CEZA), Poro Point Management Corporation (PPMC), at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).
Karamihan, o 64.2% ng pledges, ay nagmula sa Singapore, na sinundan ng Japan at United Kingdom.
Ang information and communication industry ang makakakuha ng pinakamataas na investment na may P114.29 billion.
Samantala, ang real estate activities ay makatatanggap ng P35.57 billion, habang ang manufacturing ay P19.30 billion.