(Naitala sa second quarter) $1.2-B BALANCE OF PAYMENTS SURPLUS

NAGTALA ang bansa ng balance of payments surplus na $1.2 billion sa second quarter ng 2024, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Kabaligtaran ito ng deficit na $1.2 billion sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

“The reversal to a BOP surplus in Q2 2024 was due to significantly higher net inflows posted in the financial account, notwithstanding the increase in the current account deficit,” paliwanag ng central bank.

Gayunman, sinabi ng BSP na sa first half ng taon, ang bansa ay may BOP surplus na $1.4 billion, mas mababa kumpara sa $2.3 billion surplus na naitala noong January-June 2023.

Samantala, tumaas ang gross international reserves (GIR) ng bansa sa $105.2 billion hanggang June 2024, mula $99.4 billion na naitala sa kaparehong buwan noong 2023.

Sinabi pa ng BSP na ang piso sa second quarter ay may average na P57.80:$1, humina ng 3.2 percent kumpara sa average na P55.96:$1 sa first quarter ng 2024.

Sa year-on-year basis, ang piso ay humina ng 3.7 percent mula P55.65:$1 sa second quarter ng 2023. Para sa January-June 2024, ang piso ay may average na P56.88:$1, humina ng 2.9 percent mula sa average na P55.25:$1 noong January-June 2023.