AYON kay Undersecretary and OTS Chief Ma.O Aplasca, natagpuan ang nasabing halaga ni Dian Mahinay sa Ninoy Aquino International Terminal 4.
Pauwi sa kanilang probinsiya si Andres Laforteza Gutierrez, 73 anyos, para sa selebrasyon ng Undas nang hindi inaasahang mahulog ang kanyang pera sa conveyor belt ng X-ray machine..
Agad naman ito ipinagbigay alam ni Mahinay sa Lost and Found section ng Manila International Airport Authority (MIAA), para maisauli sa lalong madaling panahon sa tunay na may ari.
Isang security screener ng Office of Transportation Security (OTS) ang nagsauli ng pera na aabot sa P40,000 na kanyang nakita sa loob ng belt conveyor ng X-ray machine.
Sa pakikipag-coordinate ng MIAA Lost and Found section at iba pang opisyal ng nasabing ahensiya ay natunton ang may ari. Malaki naman ang pasasalamat ni Gutierrez kay Mahinay sa pagkakasauli ng kanyang pera. Froilan Morallos