(Naka-gold sa German tilt) OBIENA GUMAWA NG BAGONG RECORD

BINURA ni Filipino pole vaulter EJ Obiena ang Philippine outdoor record tungo sa pagsikwat ng gold medal sa Jump and Fly tournament sa Mossingen, Germany noong Biyernes.

Gumawa ang Olympics-bound na si Obiena ng 5.85 meters, kung saan nahigitan niya ang 5.81-meter record na kanyang naitala noong 2019 sa Chiara, Italy kung saan niya nakuha ang kanyang tiket sa Tokyo Games.

“I would like to inform you that EJ had cleared 5.85m and placed first in the ‘Jump and Fly’ competition in Mossingen, Germany. His 5.85m vault is the new stadium record and the New Philippine Outdoor Record,” wika ni Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) President Philip Ella Juico.

Ito ang pinakamataas na talon ni Obiena sa huling tatlong kumpetisyon.

Noong nakaraang linggo ay na-clear ng Pinoy ang 5.70 meters upang makopo ang gold sa Gothenburg Athletics Grand Prix sa Sweden at gapiin si reigning Olympic champion Thiago Braz ng Brazil.

Sinundan ito ni Obiena ng 5.80-meter record upang kunin ang silver sa FBK Games sa Hengelo, the Netherlands noong Linggo. Pumangalawa siya kay world record holder Armand Duplantis ng Sweden. CLYDE MARIANO

3 thoughts on “(Naka-gold sa German tilt) OBIENA GUMAWA NG BAGONG RECORD”

  1. 540249 734281Hi. Cool post. Theres a dilemma with the website in chrome, and you might want to check this The browser may be the marketplace chief and a big component of other folks will miss your exceptional writing due to this problem. I like your Post and I am recommend it for a Web site Award. 214503

Comments are closed.