SA kabila ng mga ulat na may pagbaba sa reproduction rate ng virus ay nananatili pa ring mataas ang bilang ng mga lugar ang nasa hard lockdown sa Quezon City.
Base sa ibinigay na datos ng QC Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), nasa 53 pa rin ang mga lugar na itinuturing na Special Concern Lockdown dahil sa dami ng mga nahahawaan ng COVID-19.
Sabi ni Dr. Rolly Cruz ng CESU, hindi naman buong barangay ang naka-lockdown kundi mga komunidad lamang at kalye.
Nagsagawa na ng swab testing ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa mga residente ng mga naapektuhan ng lockdown.
Namahagi rin ng food packs ang pamahalaang lungsod sa mga residente na naapektuhan ng lockdown.
Samantala, sa huling datos, nasa 90% o 128,603 na ang gumaling mula sa #COVID19PH sa Quezon City.
Ayon sa CESU, 12,853 ang kumpirmadong active cases mula sa 142,822 na kabuuang bilang ng nagpositibo sa lungsod.
Dumadaan sa validation ng CESU, health center staff at mga opisyal ng barangay ang datos na mula sa DOH para masigurong sila ay residente ng QC.
Maaaring magbago pa ang bilang ng mga kaso sa lungsod dahil na rin sa isinasagawang community-based testing. EVELYN GARCIA
75425 734967Thank you for your details and respond to you. bad credit auto loans hawaii 208348
305705 302288Respect to author , some fantastic data . 246510