ISANG malakihang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang inaasahan ngayong linggo.
Sa pagtaya ng mga kompanya ng langis, maglalaro sa P2 hanggang P2.20 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Nasa P1.80 hanggang P2 naman ang itataas ng presyo ng kada litro ng diesel, habang P1.20 hanggang P1.30 sa kada litro ng kerosene.
Ang price hike sa mga produktong petrolyo ay bunsod ng pagbawas sa produksiyon ng langis sa buong mundo.
Bukod dito, inaasahan din ang P1.20 hanggang P1.40 kada litro na taas-presyo sa diesel, kerosene at gasolina bunsod ng ipinataw na 10% dagdag-buwis sa importasyon ng petrolyo. DWIZ 882
Comments are closed.