(Nakaamba sa susunod na linggo) BAWAS-PRESYOSA PETROLYO

GASOLINA

INAASAHAN ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa industry sources, ang presyo ng diesel ay bababa ng P0.60 hanggang P0.80 kada litro.

Nasa P0.70 hanggang P0.90 kada litro naman ang posibleng rolbak sa presyo ng gasolina at kerosene.

Noong nakaraang Martes, Hunyo 27, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P0.20, diesel ng P1.05, at kerosene ng P1.20.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Hunyo 27, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P6.55 kada litro, habang ang presyo ng diesel ay bumaba ng P3.00 kada litro at kerosene ng P5.15 kada litro.