MALAKIHANG pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ang inaasahan sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng Unioil Petroleum Philippines, ang presyo ng gasolina ay maaaring bumaba ng P2.80 hanggang P3.10 kada litro, habang P2.30 hanggang P2.50 kada litro naman ang posibleng rolbak sa presyo ng diesel.
Noong Martes, Oktubre 3, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P2.00 at kerosene ng P0.50.
Tumaas naman ang presyo ng kada litro ng diesel ng P0.40.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Sa datos ng DOE, hanggang Oktubre 3, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P15.30 kada litro, diesel ng P13.80 at kerosene ng P8.94 kada litro.