(Nakaamba sa susunod na linggo) DAGDAG-PRESYO NA NAMAN SA PETROLYO

GASOLINA

MAY panibagong oil price increase na inaasahan sa susunod na linggo.

Ayon sa industry sources, ang presyo ng diesel ay posibleng tumaas ng P0.40 hanggang P0.70 kada litro.

Nasa P0.10 hanggang P0.30 kada litro naman ang maaaring itaas ng presyo ng diesel, habang P0.50 hanggang P0.80 kada litro sa kerosene. increase.

Ang price hike ay sa gitna ng patuloy na pangamba sa supply cuts makaraang ianunsiyo ng Saudi Arabia na pinag-aaralan nito ang pagpapalawig sa voluntary oil production cut nito sa Oktubre.

Noong nakaraang Martes, Agosto 22, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P1.10, diesel ng P0.20, at kerosene ng P0.70.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Ito na ang ika-7 sunod na linggo na may pagtaas sa presyo ng gasolina, at ika-8 na sunod para sa diesel at kerosene.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Agosto 22, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P14.50 kada litro, diesel ng P8.80 at kerosene ng P5.84 kada litro.