(Nakaamba sa susunod na linggo) DAGDAG-PRESYO SA PETROLYO

MATAPOS ang ilang sunod na linggong rolbak, namumuro ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Tinukoy ang pagtaya ng industriya base sa oil trading sa nakalipas na apat na araw, sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na ang presyo ng gasolina ay tataas ng mula P0.65 hanggang P0.90 kada litro.

Nasa P0.95 hanggang P1.10 kada litro naman ang inaasahang price hike sa diesel at P0.95 hanggang P1.10 kada litro sa kerosene.

“Oil prices surge at the early part of the week driven by the fear for an escalating Middle East tension that could threaten production in one of the world’s major oil sources as Iran vows retaliation,” sabi ni Romero.

“The easing of the US monetary policy and the fear that subside on the possible US recession added to the bullish part of oil price,” dagdag pw niya.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes, na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Noong nakaraang Martes, August 13, ang presyo ng gasoline ay bumaba ng P2.45 kada litro, diesel ng P1.90, at kerosene ng P2.40.