MAY panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na inaasahan sa darating na Martes.
Ayon sa mga taga-industriya, ang tinatayang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina ay nasa P0.50 hanggang P0.70.
Posible namang tumaas ang presyo ng kada litro ng diesel ng P0.50 hanggang P0.60, at kerosene ng P0.60 hanggang P0.70.
Ito ang ikalawang linggo na may price hike sa produktong petrolyo.
Noong nakaraang Martes, Disyembre 14, ang presyo ng gasolina ay tumaas ng P1.60 kada litro; diesel ng P1.35 kada litro, at kerosene ng P1.20 kada litro.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustment araw ng Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.