(Nakaamba sa susunod na linggo)PANIBAGONG TAAS-PRESYO SA PETROLYO

MAY panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na inaasahan sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng Unioil Petroleum Philippines, ang presyo ng kada litro ng diesel ay posibleng tumaas ng P2.60 hanggang P2.80, at gasolina ng P0.80 hanggang P0.90.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Noong nakaraang Martes, Oktubre 11, ang presyo ng kada litro ng diesel ay tumaas ng P6.85, gasolina ng P1.20, at kerosene ng P3.50.

Ayon sa Department of Energy (DOE), hanggang Oktubre 4, ang net price increases buhat nang magsimula ang taon para sa gasolina, diesel at kerosene ay nasa P14.45, P28.95 at P23.25 kada litro, ayon sa pagkakasunod-sunod.