INAASAHAN ang panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa oil industry source, ang presyo ng kada litro ng diesel ay maaaring tumaas ng P0.60 hanggang P0.80.
Samantala, nasa P1.20 hanggang P1.a40 kada litro ang posibleng itaas ng presyo ng gasolina.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Ito na ang ikatlong sunod na linggo na may price increasa sa petrolyo.
Noong nakaraang Martes, Enero 24, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P2.80, diesel ng P2.25, at kerosene ng P2.40.
Hanggang noong Enero 24, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P5.90, diesel ng P2.05, at kerosene ng P3.20.