NAKAAMBANG DEMOLISYON SA MALABON, PINAPIPIGIL NG PCUP

CEO Alvin Feliciano

PINAPIPIGIL ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang nakaambang demolisyon at ebiksyon ngayong Oktubre 20 sa Barangay Potrero, Malabon City bunsod ng pagpapatupad ng Waterways Project dahil sa hindi nito pagdaan sa legal at wastong proseso.

Ayon kay PCUP Chairman at CEO, Undersecretary Alvin S. Feliciano, hindi dumaan sa tamang proseso ang nakatakdang paggiba sa mga kabahayan na matatagpuan sa gilid ng Tullahan River.

Sinabi rin ni Feliciano na lumiham na siya sa City Administrator ng Malabon at sa NCRPO upang pigilan ang demolisyon, na ilegal dahil hindi pa tapos ang Pre-Demolition Confrence (PDC) na isinasagawa ng PCUP.

Ipinahayag pa ni Feliciano na malinaw na nakasaad sa DILG Memorandum No. 2017-18 na kailangan matapos ang naturang proseso bago isagawa ang paggiba, alinsunod din sa Urban Development and Housing Act (UDHA).

Tinatayang aabot naman sa 147 pamilya ng informal settlers sa Barangay Potrero, Malabon ang nanganganib na mawalan ng tirahan dahil sa Water Ways Project ng pamahalaang lokal.

Ipinaalam ng PCUP chief na alinsunod sa DILG Memorandum, “pinagdidistansiya” ang mga pulis hangga’t walang pinapalabas na PDC Certificate sa lugar na target ng demolisyon at ebiksyon. BENJIE GOMEZ

5 thoughts on “NAKAAMBANG DEMOLISYON SA MALABON, PINAPIPIGIL NG PCUP”

  1. 987113 905531Hosting a blog composing facility (in a broad sense) requires unlimited space. So I suggest you to discover such web hosting (internet space provider) that supply flexibility inside your internet space. 874567

  2. 415884 637744A person essentially lend a hand to make significantly articles I may state. That could be the very 1st time I frequented your web site page and up to now? I amazed with the research you created to create this specific publish incredible. Great activity! 124936

Comments are closed.