(Nakabangon sa hagupit ng pandemya) EKONOMIYA NG 17 REHIYON LUMAGO

NAGTALA ng paglago ang ekonomiya ng lahat ng 17 rehiyon sa bansa noong 2021, na kabaligtaran ng recession na dulot ng COVID-19 pandemic noong 2020, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa mga rehiyon, ang Region IV-A o Calabarzon ang nagposte ng pinakamabilis na economic growth sa 7.6% noong nakaraang taon, mula sa -10.5% noong 2020.

Sinundan ito ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at Cordillera Administrative Region (CAR) na kapwa lumago ng 7.5%, mula -1.9% at -7.7%, ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang rehiyon na lumago sa ibabaw ng national level na 5.7% noong 2021 ay ang Central Luzon sa 7.4% mula -9.9%, Caraga sa 7.2% mula

– 7.2%, Northern Mindanao sa 6.3% mula -5.2%, Eastern Visaya sa 6% mula -7.6%, Western Visayas sa 5.9% mula -9.7%, Davao Region sa 5.9% mula -7.6%, at Zamboanga Peninsula sa 5.7% mula -5.2%.

Pagdating sa share ng mga rehiyon sa services sector noong 2021, ang National Capital Region ang may pinakamalaking share sa 42.4%, sumusunod ang Calabarzon sa 10.7% at Central Luzon sa 8.3%.

Sa share ng bawat rehiyon sa Industry sector, ang Calabarzon ay may lion’s share na 25.1%, sumusunod ang NCR sa 19.6% at Central Luzon sa 15.4%.

Para sa Agriculture, Forestry and Fishing, ang Central ang may pinakamalaking share sa 13.5%, sumusunod ang Northern Mindanao at Western Visayas sa 10.5% at 9.6%, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, ang household spending noong 2021 ay tumaas para sa lahat ng rehiyon kung saan ang  Caraga ang nagposte ng pinakamalaking growth rate sa 10.6%.

Sumusunod ang Eastern Visayas, Cagayan Valley at CAR sa 10.2%, 9%, at 8%, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Pagdating sa government spending, ang lahat ng rehiyon ay nagtala ng positive growths noong 2021 sa pangunguna ng BARMM na may 12.6%, kasunod ang  Cagayan Valley sa 11.6%, Central Luzon sa 8.9%, at NCR sa 7.7%.

“Real per capita GDP – a measure of total economic output over the number of people – stood at 4.3% in 2021, with CAR topping the regional economies with 6.6% per capita growth rate,” ayon sa PSA.

Sumusunod ang Caraga sa 6.1%, Central Luzon at Calabarzon na may tig-5.7%.