NAKADALAWA NA ANG HEAT

UMISKOR si Jimmy Butler ng 27 points, kabilang ang tiebreak- ing basket, may 2:33 ang nalalabi, at nakon- trol ng Miami Heat ang Eastern Conference finals sa 111-105 panalo kontra host Bos- ton Celtics sa Game 2 noong Biyernes ng gabi.

Nagwagi ang Miami sa Boston sa ikalawang sunod na laro para kunin ang 2-0 bentahe sa bestof-seven series. Ang Games 3 at 4 ay lalaruin sa Miami sa Linggo at Martes, ayon sa pag- kakasunod.

Nagtala si Caleb Martin ng career play- off high na 25 points sa 11-of-16 shooting mula sa bench para sa eighthseeded Heat. Nag-ambag si Miami’s Bam Adebayo ng 22 points, 16 rebounds at 9 assists at nagdagdag si reserve Duncan Robinson ng 15 points.

Tumapos si Jayson Tatum na may 34 points, 13 rebounds at 8 assists para sa secondseeded Boston subalit hindi nakaiskor ng field goal sa fourth quarter sa ikalawang sunod na laro. Ang lahat ng limang final-quarter points ni Tatum ay nagmula sa free throws sa final minute.

Umiskor si Jaylen Brown ng 16 points subalit bumuslo lamang ng 7 of 23 mula sa field para sa Celtics. Tumipa sina Malcolm Brogdon at Robert Williams III ng tig-13 points.

Naipasok ng Heat ang 45.7 percent ng ka- nilang tira at 9 of 26 (34.6 percent) mula sa 3-point arc. Nagdagdag si Max Strus ng 11 points para sa Miami.

Bumuslo ang Boston ng 46.8 percent mula sa field, kabilang ang 10 of 35 (28.6 percent) mula sa 3-point range.

Gumawa si Derrick White ng 11 points para sa Celtics.

Isang dunk ni Robert Williams ang nagbigay sa Boston ng game-high, 12-point lead, may10:35 ang nalalabi sa laro.

Sumagot si Robinson ng dalawang 3-pointers sa sumunod na 10-2 spurt ng Miami upang tapyasin ang kalamangan ng Celtics sa 91-87, may 8:40 sa orasan. Makaraang ibalik ng Boston ang kalamangan sa siyam, umiskor ang Heat ng siyan sa sumunod na 11 points bilang bahagi ng 18-4 run.

Isang layup ni Robinson ang naglapit sa Miami sa 98-96, may 4:36 ang nalalabi bago umiskor si Grant Williams sa isang dunk, may 3:52 ang nalalabi para sa Celtics.

Naisalpak ni Adebayo ang dalawang free throws at nagdagdag si Butler ng magkasunod na baskets, kabilang ang go-ahead hoop at umabante ang Miami ng dalawa. Na-split ni Strus ang dalawang free throws at dumakdak si Adebayo para ilagay ang talaan sa 105-100, may 55 segundo ang nalalabi.

Naitala ni Tatumang kanyang mga unang puntos sa fourth quarter sa pagsalpak ng tatlong free throws, may 49.3 segundo ang nalalabi.

Ipinasok ni Gabe Vin- cent ang isang jumper, may 35.1 segundo ang nalalabi upang bigyan ang Heat ng 107-103 kalamangan.

Makaraang ipasok ni Tatum ang dalawang free throws, may 21.6 segundo ang nalalabi, isinalpak nina Vincent at Strus ang tig-2 free throws para selyuhan ang panalo ng Heat.

Umiskor si Tatum ng 15 points sa third quarter at ang four-point halftime deficit ay ginawang 83- 75 lead ng Boston.

Naoutscore ng Celtics ang Heat, 33-21, sa naturang period.

Kumubra si Martin ng 14 points bago ang halftime kung saan tangan ng Heat ang 54-50 edge. Gumawa si Tatum ng 14 sa half para sa Boston.