NAGSAGAWA ng mahigpit na seguridad ang tropa ng Philippine Coast Guard (PCG)-Cavite sa nakadaong na cargo ship na Athens Bridge na may 12 tripulanteng Pinoy na positibo sa COVID-19 upang sinigurong walang makalalapit na mga hindi awtorisadong sasakyan pandagat o pangisda habang ito ay nakahimpil sa may 10 kilometrong layo sa baybaying dagat ng Cavite City kahapon ng umaga.
Base sa tala ng PCG-Cavite, nagmula ang nasabing container ship sa Vietnam bago pumalaot patungong Pinas kung saan ito pansamantalang dumaong sa karagatang sakop ng Cavite City nitong Mayo 5.
Gayunpaman, bago pa makadaong ang cargo ship ay nagka COVID-19 na ang 12 tripulante mula sa kabuuang 21 Pinoy crew kaya’t humingi ng tulong sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan.
Sa tulong ng mga tauhan ng PCG at Bureau of Quarantine ay naisugod naman sa pagamutan ang dalawang tripulante na sinasabing nasa kritikal na kalagayan habang ang 10 naman ay asymptomatic kaya’t nag-self quarantine na lamang sa kani-kanilang cabin sa loob ng 14 days quarantine period.
Samantala, ang siyam na tripulante ng cargo ship ay negatibo sa COVID-19 kung saan nananatili sa loob ng barko na walang katiyakan kung kailan papayagan ng PCG State Control na makapag unload ng mga container sa port of Manila.
Sa pagmamatyag o inspection na ginawa ng PCG Cavite Station sa paligid ng cargo ship kahapon ng umaga, napansin na may dalawang tripulante ng barko ang dumungaw at kumaway pa sa mga kawani ng PCG na sakay ng dalawang speedboat kasama ang ilang media personnel.
Ayon kay PCG Cavite – Station Commander Lt. Michael Encina, patuloy ang pagbibigay ng maritime assistance sa Athens Bridge para na rin sa proteksiyon ng iba pang tripulanteng Pinoy na negatibo sa virus. MHAR BASCO
576618 122511I think one of your advertisements triggered my internet browser to resize, you may want to put that on your blacklist. 480868
638579 904372I like the way you conduct your posts. Hmm 16078
859086 721103I ought to admit that this really is 1 wonderful insight. It surely gives a company the opportunity to get in on the ground floor and actually take part in creating something unique and tailored to their needs. 765954
799592 881363I love the appear of your website. I lately built mine and I was looking for some tips for my website and you gave me a few. Might I ask you whether you developed the website by youself? 902990