(Nakadaong sa Guam) PHIL CONSUL GENERAL ‘SUMAMPA’ SA MISSILE FRIGATE BRP ANTONIO LUNA

SUMAMPA ang Consul General ng Pilipinas, miyembro nito at ang ilang kasapi ng Filipino community sa nakadaong na barko ng Philippine Navy na missile-frigate BRP Antonio Luna (FF-151) sa Guam.

Ang barko ay nasa Guam Naval Base para sa refueling and reprovisioning simula Hunyo 14.
“Consul General Patrick John Hilado, the Consulate General of the Philippines in Guam, along with members of the Filipino community came aboard the Philippine Navy frigate BRP Antonio Luna on June 14, 2022,” ayon kay PN spokesperson Comman­der Benjo Negranza.

Ang barko ay kasalukuyang naka-dock sa U2 Pier ng Naval Base Guam para sa layover ng paghahanda sa paglalayag nito patungong Hawaii upang lumahok sa Rim of the Pacific (RIMPAC) exercise na itinakada sa Hunyo 29 hanggang Agosto 4.

Hunyo 8 nang umalis ang BRP Antonio Luna lulan ang Naval Task Group (NTG) 80.5 sa Naval Operating Base Subic at dumating sa Guam nitong Hunyo 12.

“Officers and crew of FF-151, led by its commanding officer Captain Charles Merric Villanueva welcomed the visitors aboard and toured them around one of the country’s most modern and capable warships,” ani Negranza. EUNICE CELARIO