(Nakagagamot ng COVID-19) CHINESE MEDICINE APRUB SA FDA

ISANG gamot mula sa China na sinasabing puwedeng panlaban sa nakamamatay na coronavirus ang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA).

Ito ang inanunsyo ng Chinese Embassy sa kanilang website na rehistrado na sa FDA ng Fi­lipinas  ang Traditional Chinese Medicine na Lianhua Qingwen Capsule.

Ang Lianhua ay ginagamit sa China bilang panggamot sa mga mild at moderate cases ng CO­VID-19.

“Lianhua Qingwen Capsule is an approved COVID-19 treatment for mild and moderate cases in China. So far, Lianhua Qingwen Capsule has been approved in Hong Kong and Macao SAR of China, Brazil, Indonesia, Canada, Mozambique, Romania, Thailand, Ecuador, Singapore and Laos PDR,” pahayag ng taga pagsalita ng embahada.

Subalit, sa registration ng FDA sa nasabing gamot, aprubado lamang ang pagbebenta nito sa merkado at hindi nakasaad na pasado ito bilang gamot sa COVID-19.

Gayunpaman, sa pahayag ng embahada, isang welcome development ito sa China at umaasa makatutulong ang gamot sa Pilipinas para maagapan ang mild cases ng CO­VID-19.

“The Embassy advises the consumers to purchase and consume authentic TCM produced by qualified pharmaceutical manufacturers, and hopes that TCM would play a bigger role to support the efforts of the Philippine government and its people to fight against COVID-19 until the final victory,” pahayag ng embahada.

“The Chinese Embassy in the Philippines is glad to learn that the Philippine Food and Drug Administration (FDA) has approved Chinese drug Lian Hua Qing Wen produced by one of China’s renowned Traditional Chinese Medicine (TCM) manufacturers, Shijiazhuang Yiling Pharmaceutical Co. Ltd., making the drug formally registered as TCM in the Philippines. This marks an important progress in the entry of TCM products into the Philippine market, which we welcome,”dagdag pa ng embahada. VERLIN RUIZ

Comments are closed.