AYON sa ilang pag-aaral, ang multitasking ay nakakadagdag sa negative emotions, kaya mas nagiging irritable at madaling maubusan ng pasensya ang isang tao, sanhi upang magkaroon siya ng chronic stress.
Nakakabawas umano ang multitasking sa efficiency and performance ng tao dahil nakaka-focus lang ang utak one thing at a time. Kung dalawa ang ginagawa mo ng sabay, mababawasan ang kapasidad ng utak na mag-perform ng maayos. Ayon sa pag-aaral, bukod sa bumabagal ang utak, nakakababa rin ng IQ ang multitasking. Ganern!
Kung sobra-sobra ang impormasyong sabay-sabay na nakukuha ng utak, hindi na nito malaman kung alin ang mas mahalaga. Naaapektuhan nito ang inyong memory. Pwede itong maging sanhi ng immediate injury o pagkalimot sa mga mahahalagang bagay, na nagiging sanhi naman ng aksidente.
Ayon kay neuroscientist Daniel Levitin, delikado ang multitasking sa utak at nakakaubos pa ito ng mahahalagang enerhiya. “Asking the brain to shift attention from one activity to another causes the prefrontal cortex and striatum to burn up oxygenated glucose, the same fuel they need to stay on task,” aniya.
Sa madaling sabi, ang utak ay designed para mag-concentrate sa isang Gawain lamang at a time. Ngayon, kung may added pressure of switching from one task to another, napipilitan ang utak na magtrabaho ng sobra. Natural lang na nakaka-stress yan.
Ipinakita ng neurological science na kaya lamang ng utak na mag-focus sa dalawang bagay ng sabay. Kung lalampas pa doon, sablay na at makaaapekto na sa performance. Ayon pa sa mga neuroscientist, nadiskubre nilang ang mga multitaskers “had smaller gray matter density in the anterior cingulate cortex,” na katulad ng naakikita sa mga taong may mababang cognitive control performance. Sa madaling sabi, kung ang multitasking ay ginagawa araw-araw, nagiging sanhi ito ng brain damage. In other words, nakakabobo.
Kung lilimiing mabuti, weakness pala ang multitasking at hindi strength. Ang masakit pa, pwede itong maging sanhi ng permanent brain damage. Batay sa MRI scans ng mga participants, yung sobrang multitaskers ay mas konti ang brain density sa anterior cingulate cortex. Ito yung parte ng utak na responsable sa empathy at emotional control. Hindi lang pala nakakababa ng IQ. Nakakababa rin ng EQ.
And, what’s more, naa-activate ng multitasking ang reward system ng utak na nagbibigay ng dopamine, yung feel good hormone, na essentially rewarding sa utak kaya nawawalan ka ng focus at naghahanap pa ng external stimuli (Levitin). Akala mo, maganda ang ginawa mo pero sa totoo lang, hindi talaga. – SHANIA KATRINA MARTIN