NAKAKAPAGLAWAY NA PINOY BREAKFAST

MAY tatlong klase raw dati ng almusal na kinikilala sa buong mundo. Ang Continental breakfast, English Breakfast, at American breakfast. Hindi na ngayon. Kasama na sa pagpipilian ngayon ang Pinoy breakfast.

Sabir in nila, ang healthy breakfast daw ay oatmeal na nilagyan ng almonds o dried cranberries; whole-wheat pita na may palamang hard-boiled egg at gulay tulad ng spinach; whole-wheat tortilla na may palamang gulay, salsa at low-fat shredded cheese; smoothie of fruits, plain yogurt at isang kutsarang wheat germ – pero palagay ko, para lamang ‘yon sa mga nagda-diet. Mas masarap pa rin ang Filipino breakfast na sinangag na kanin, pritong itlog na sunny side up; at kahit ano sa mga paboritong Filipino breakfast staples na tocino, tapa, daing o tuyo, Lahat ito, madaling iluto.

Nauso ang mga tapsilogan kaya at ang pinakapopular na Filipino Breakfast ay ang mga sumusunod: TapSilog – tapa, sinangag at pritong itlog; Tosilog – tocino, sinangag at pritong itlog; Cornsilog – cornedbeef, sinangag at pritong itlog; Hotsilog – hotdog, sinangag at pritong itlog;

Pero kung nagmamadali, pwede na rin ang pandesal kapartner ng mainit na chocolate o kape. Kahit walang palaman.– SHANIA KATRINA MARTIN