NAGING patok sa YouTube ang huling vlog ng namayapang si Lloyd Cadena.
Nangunguna na ngayon sa YoutTube ang huling vlog ni Cadena na in-upload ng kanyang pamilya nitong Sabado.
Kinunan noong Agosto 27, ang video ay may title na “Last Vlog” kung saan makikita si Lloyd na inaalis sa box ang mga gamit para sa kanilang bagong bahay, kasama na ang fire extinguishers, sponge holder, ang pangarap nitong speakers at TV na padala ng kanyang ama.
“Maraming Salamat Cadenators sa Support nyo kay KWEEN LC,” ang nasa description ng video na mayroon nang tatlong milyong views at mahigit sa 400,000 likes na naghatid dito bilang number one trending sa YouTube.
Si Lloyd ay magdiriwang sana ng kanyang ika-26 kaarawan ngayong Setyembre 23.
Ayon sa mga komento sa vlog nito, kahit sa huling sandali ng buhay ni Lloyd ay napasaya ang kanyang fans at subscribers, ngunit hindi lamang saya, naluluha rin ang mga nakapanood nito dahil alam nilang ito na ang huling vlog ni Lloyd.
Namatay si Lloyd sa atake sa puso. Naging positibo rin ito sa coronavirus disease o COVID-19.
Comments are closed.