KAHON KAHONG war materials na hinihinalang gamit ng United States Army o U.S Navy ang nakumpiska ng PNP Maritime Group sa isang mangingisda sa Claveria, Cagayan.
Sa report ng PNP Maritime Group, nasabat ng kanilang mga tauhan ang mga hinihinalang pampasabog sa isang mangingisda sa gitna ng dagat.
Nabatid na umaabot sa 24 wooden crates na naglalaman ng US made warheads at rockets ang narekober ng mga pulis.
Kaugnay nito, nakikipag -ugnayan ang PNP-CIDG sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at maging sa US Embassy hinggil sa mga war materials na pinaniniwalaang pag-aari ng US military.
At maging ang nasabing mangingisda ay pansamantalang nasa kustodiya ng PNP-CIDG para makuhanan ng impormasyon hinggil sa pag-iingat nito ng mga nasabing war material.
Nabatid na posible umanong ang mga nasabing pampasabog ay ginamit noong nakaraang ng Joint RP-US Balikatan war exercises.
Ang specific details ng mga narekober na pampasabog ay ang mga sumusunod:LOT RHHE-6-MCA-67N national stock number 1340-00-725-8382-H842 na qng“00” code na naka-assign sa US bilang country of origin, warheads 2.75″ rockets, Warhead Model: M151,HE Fuze Model: M427
Gayundin, sa 24 na crates na narekober, 17 dito ay may markang inert,demo/practice warhead 2.75 inch rocket habang ang pitong iba na may kaparehong size ay may markang (HE) high explosive at ang metal case ay may markang 20mm cartridge. VERLIN RUIZ
Comments are closed.