(Nakamit ng DENR) 2019 BIODIVERSITY CONSERVATION TARGET

DENR

KAHIT na abala sa isinasagawang rehabilitasyon ng Manila Bay at Boracay Island, naabot pa rin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang target nito para mabigyan ng proteksiyon ang mayamang biological diversity ng bansa.

Sa kaniyang yearend report, sinabi ni Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu, nakapagpa­suri ang ahensiya ng 52 kuweba o mas mataas ng 137 porsiyento sa taunang target na 38.

Gayundin, ang Philippine Operation Group on Ivory and Illegal Wildlife ay nakakumpiska ang ahensiya ng 72 na iba’t ibang uri ng wildlife species at 15.6 kilograms ng agarwood.

Nabatid pa, ang Biodiversity Management Bureau (BMB) ay nakapag-isyu ng kabuuang 7,926 wildlife permits na lampas ng 197 porsiyento sa target nitong 4,026.

Kabilang sa mga permit na nailabas ng ahensiya ay ang wildlife farm, wildlife local transport, wildlife collector, import, export at re-export permits at ang certificates of wildlife registration.

Ayon sa BMB, ang mataas na accomplishment ay dahil sa ang pag-isyu ng permit ay demand-driven.

Nitong 2019, ang BMB ay nakapagmintini ng 42 wildlife rescue centers at 384 ecotourism facilities sa buong bansa na kumakatawan sa 89 at 98 porsiyento na accomplishment.