MAHIGIT 90 proyekto na nagkakahalaga ng P2 trillion ang nakapila sa One-Stop Action Center for Strategic Investments (OSAC-SI) sa Board of Investments (BOI) upang kumuha ng green lane certificates.
Sa sidelines ng isang RE forum na inorganisa ng Economic Journalists Association of the Philippines at ng Aboitiz Power Corp. sa Securities and Exchange Commission headquarters sa Makati City noong Biyernes, sinabi ni BOI Director Ernesto delos Reyes Jr. na karamihan sa mga proyekto ay nasa Renewable Energy (RE) sector,
Ang pipeline ng investments na ito ay magpapalakas pa sa kasalukuyang P4.3 trillion na halaga ng mga proyekto na inendorso ng OSAC-SI para sa green lanes sa national government agencies (NGAs) at local government units (LGUs).
Sa ilalim ng Executive Order 18 ay itinayo ang OSAC-SI sa BOI na nagsisilbing single point of entry para sa mga projeyekto na itinuturing na strategic investments.
Iniisyu ng OSAC-SI ang certificate of endorsement sa strategic investments na maaaring iprisinta sa NGAs at LGUs upang pabilisin ang pagproseso sa mga kinakailangang licenses at permits para maiwasan ang pagkakaantala sa kanilang mga proyekto.
Sinabi ni Delos Reyes na dahil karamihan sa mga proyekto na sinertipikahan para sa green lane treatment ay RE investments, isinusulong ngayon ng BOI ang mga proyekto sa iba’t ibang sektor, lalo na sa manufacturing, para sa green lane application.