NGAYONG bisperas ng Bagong Taon, kung hindi sa bahay ang selebrasyon, malamang ay pupunta ang maraming Pinoy sa mga countdown parties at New Year concerts sa iba’t ibang lugar dito sa atin.
Narito ang ilan sa mga kaganapan at selebrasyon ngayong bagong taon. Kung nais mong ipasyal ang pamilya at kaibigan sa labas, mamili ka na sa mga ito!
Kasama sa Ayala Avenue New Year’s Eve Countdown si Regine Velasquez, SB19, Sponge Cola, AI James, at grupo ng musical artists sa teatro na pinangungunahan nina Gab Pangilinan at Myke Salomon. Sisimulan ito ng isang DJ pre-show party sa ganap na alas-6 n.g. sa kanto ng Makati Avenue at Ayala Avenue.
May selebrasyon din sa Quezon Memorial Circle na mag-uumpisa sa ganap na alas-4 n.h. Dito naman ay mapapanood si Vice Ganda, Mayonnaise, The Dawn, Cueshé, Imago, Orange and Lemons, Shamrock, Autotelic, Tropical Depression, Bassilyo, Allan K, Boobay & Tekla, Tuesday Vargas, Uma, KDolls, Buganda, at DN Powerdance.
Ang “Kapuso Countdown to 2024” ng GMA Network ay magsisimula ng 10:30 ng gabi sa Seaside Boulevard, SM Mall of Asia. Marami ring artista mula sa GMA ang dadalo rito, kabilang sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Ken Chan, Christian Bautista, Andrea Torres, Sanya Lopez, Miss Universe Philippines Michelle Dee, Kristoffer Martin, Kyline Alcantara, Ysabel Ortega, Lexi Gonzales, Ashley Ortega, Rabiya Mateo, Faith Da Silva, Allen Ansay, Sofia Pablo, Jeff Moses, Michael Sager, ang P-Pop boy groups na 1st.One, Hori7on, Calista, at 1621BC, at ang Voice Generations Winner na Vocalmyx.
Hindi rin naman magpapahuli ang NET25. May New Year Countdown din ang NET25 na magaganap naman sa Philippine Arena. Kasama rito ang NET25 StarKada at mga bandang Mayonnaise, Lola Amour, Dilaw, Jumanji, at ang King of Rap, Gloc 9. Mayroon din ditong night bazaar, game booths, at iba pang attractions.