PUMALO na sa 3,000 ang bilang ng mga nakarekober na pasyente sa COVID-19 sa Filipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang alas-4:00 ng hapon ng Huwebes, Mayo 21, ay 68 pasyente pa ang bagong gumaling sa COVID-19 sa bansa.
Sumampa na sa 13,434 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nakalipas na magdamag ay 213 ang bagong kaso sa bansa, 98 sa mga ito o 46 porsiyento ay mula sa National Capital Region; 98 o 46 porsiyento rin sa Region 7; habang 17 o anim na porsiyento sa iba pang lugar.
Apat ang nadagdag sa COVID-19 related deaths kaya umabot na ito sa kabuuang 846.
Comments are closed.