NAKATANGGAP NG BOOSTER SHOT 2M PA LANG-DOH

INIHAYAG  ng Department of Health (DOH) na mahigit dalawang milyong indibidwal pa lamang ang nakakatanggap ng COVID-19 booster shot sa ilalim ng “Pinaslakas Campaign”.

Ito ay kahit puspusan ang hakbang ng kagawaran para ilapit sa publiko ang bakuna laban sa COVID- 19.

Sa 23 milyong target na mabakunahan sa unang 100 araw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Oktubre ay nasa 2.1 milyon pa lang ang nakakakuha nito.

Nasa 25,638 ang mga senior citizen na natuturukan mula sa 1.07 milyong target.