NAKATATANDA HINIKAYAT MAGPABAKUNA VS PNEUMONIA

DULOT ng patuloy na pagtaas ng kaso ng pagkamatay ng mga nakatatanda mula sa sakit na pneumonia, hinikayat ng ilang espesyalista na magpabakuna ang mga ito kontra sa naturang sakit.

Sa ginanap na Pandesal Forum na ginanap sa Quezon City ipinarating ng mga government advocates na mayroong 1.25 million doses ng free anti-pneumonia vaccines para sa mga indigent seniors na manggagaling sa mga local government units sa buong bansa.

Hinimok ni Research Institute for Tropical Medicine medical specialist Dr. Dessi Roman ang mga nakatatanda na magpabakuna at tamasahin ang iniaalok na libreng bakuna ng LGUs.

Kabilang sa mga naghikayat sina National Commission of Senior Citizens (NCSC) officer Samir Manzanilla, Dept. of Health (DOH) Disease Prevention and Control Bureau officer Dr. Allandale Nacino at DOH Senior Health Program officer Gerald John Paz.

Ginawa ang public information campaign upang mapalawak ang kaalaman ng publiko partikular sa mga lolo’t lola hinggil sa free anti-pneumonia vaccines sa mga government clinics kaugnay ng kahalagahan sa pag- iwas ng pneumonia na isang civic project ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP).

Katuwang ng PHAP ang MSD at Pandesal Forum. Ang Pneumonia ay nananatiling No. 3 bilang pinaka mataas na dahilan ng pagkasawi ng mga nakatatanda noon pang 2017 at ika-7 bilang pangunahing cause of death sa Pilipinas mula sa general population noong 2021. BENEDICT
ABAYGAR, JR.