NAKATIWANGWANG NA LUPAIN, BIBIYAKIN PARA SA MARAWI FARMERS

John Castriciones

UPANG paunlarin ang repormang agraryo ipinamahagi ang mga nakatiwangwang na government-owned lands (GOLs) sa mga karapat-dapat at kuwalipikadong magsasaka sa Marawi City na pinangunahan ng Department of Agrarian Reform (DAR) kasama ang ilang ahensiya ng gobyerno sa isang pulong konsultasyon sa Cagayan de Oro nitong nakalipas na Marso 29-30.

Napag-alamang ang pamamahagi ng GOLs ay direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ang land reform sa Marawi City, dahilan upang magsagawa ang DAR ng consultation meeting sa mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng Department of National Defense (DND), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MAFAR-BARMM), Philippine National Police, local government of Lanao del Sur, Task Force Bangon Marawi, at Marawi State University.

Ayon kay DAR Secretary John Castriciones, sa pamamagitan ng konsultasyong-pagpupulong ay maipatutupad ang pag-sasagawa ng land survey at land reform sa Marawi kung saan apat na mga nakatiwangwang na malalaking lugar ang isasailalim sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na kinabibilangan ng Camp Keithley, Mindanao State University, National Power Corporation at ang Provincial Capitol.

“Kung tayo na nandirito lahat ay nagkakaisa at nagnanais na mapabago ang katayuan ng mga taga-Marawi, makabubuo tayo ng isang malakas at nagkakaisang posisyon. Makagagawa tayo ng resolusyon na makapagpapabago sa Marawi at sasakupin natin ang mga lupain upang maipamigay ng legal at naaayon sa batas,” saad ni Castriciones.

Binigyang diin ng DAR chief na ang basehan upang maipamahagi ang GOLs ay ang Executive Order (EO) No. 75, Serye 2019, kung saan nakasaad na ang mga pampublikong lupain ay maaaring sakupin upang maipamigay sa mga benepisyaryo.

Ang Special Concerns Office (SCO) ng ahensiya, na pinamumunuan ni Undersecretary Carim Panumpang, ang nanguna sa pagsasagawa ng consultation meeting.

Ayon kay Panumpang ang aktibidad na ito ay naglalayong gawing lehitimo ang  pagmamay-ari ng mga magsasaka sa mga lupain sa Marawi na nararapat lamang na matagal ng napasakanila dahil sa kanilang mga karapatan sa kanilang mga ninuno.

Nagpasalamat naman si MAFAR-BARMM Minister Mohammad Yacub sa pamahalaan dahil sa suportang ibinigay nito sa ahensiya. BENEDICT ABAYGAR, JR.

4 thoughts on “NAKATIWANGWANG NA LUPAIN, BIBIYAKIN PARA SA MARAWI FARMERS”

  1. 193472 685382I genuinely like reading via and I believe this site got some genuinely utilitarian stuff on it! . 799879

  2. 999502 824373hi!,I like your writing so a lot! share we communicate far far more about your article on AOL? I require a specialist on this location to solve my problem. May possibly be thats you! Looking forward to see you. 938614

  3. 314834 741984hey there i stumbled upon your internet site searching around the internet. I wanted to let you know I enjoy the appear of items around here. Keep it up will bookmark for certain. 902040

Leave a Reply

Your email address will not be published.