NAKATUTUWA O NAKABABAHALA?

edwin eusebio

Maganda ang napabalitang panukala, pagka­looban ng 14th month pay mga manggagawa.

Layon nitong bigyan ng dagdag pagpapala,

ang mga obrerong nalulubog sa ekonomiyang lumalala.

 

Gayunman dapat na pag-aralang mabuti…

Bigyang pakundangan din ang mga company…

Makakaya ba nila ang dagdag na gagastusing kay laki?

Para sa mga manggagawa na laging naaapi at nahuhuli.

 

Ang panukala ay nag-ugat kay Senador Vicente ‘Tito’ Sotto, ang pangulo ngayon ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Tahasang sinabi nito na kulang na kulang ngayon ang umento

hindi aniya makasasapat ang huling umento na karampot na sampung piso.

 

Bagama’t hindi ekonomista, hindi agad sumakay si Duterte sa panukala.

Muling idiniin ng Pangulo ang mga paninindigan niyang nauna…

Ang ekonomiya ay sa mga economic manager ipauubaya niya.

Sinabi ng Pangulo na ang kaayusan at pagsugpo sa mga sindikato ang sa kanya.

 

Kaya nga sa halip na agad na pumayag si ­Pangulong Duterte, mga ekonomista niya raw muna ang dapat na  ­didiskarte.

Pakundangan din naman sa mga pinuno ng mga kompanya at mga negosyante…

Sila ang dapat na tutugon sa magiging gastusing kay laki.

 

Ang mga nangyayari ngayon sa lagay ng ekonomiya…

Hindi lamang lokal kundi pandaigdigan na.

Ang kumpas nito ay mula sa mayayamang bansa…

higit lalo sa mga bansang may langis na nami­mina.

 

Ano man ang magandang mithiin ng panukala

kundi ito makakaya ng prinsipal… wala tayong magagawa

Aasa na lamang na may lumigwak na mantika…

Upang makatikim naman tayo ng grasya at pagpapala.

 

Harinawa!



(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)

Comments are closed.