(Nakaupo sa tumba-tumba na may hawak na baril) DATING VICE GOV RECTO NATAGPUANG PATAY

PINANIWALAANG ilang araw ng patay dahil nangangamoy na nang matuklasan ng anak, pulis at barangay ang bangkay ni dating vice governor Richard “Ricky” Recto y Gonzales, 59-anyos na may tama ng bala ng baril sa loob kanyang bahay sa Pasig City.

Ayon sa ulat, humingi ng saklolo sa pamamagitan ng viber si Raina Galang Recto dakong ala-5 ng hapon sa sub-station para samahan sila ni Rosario Dela Cruz, kasama si Cpl. Cachuela, Barangay, security personnel at OIC Marvin Aurelia ng Valley Verde 6.

Dito natuklasan ang bangkay ni Recto na nakaupo sa tumba-tumba at may unan sa dibdib hawak ang baril sa kanang kamay sa loob ng master bedroom dakong ala-6 ng hapon Disyembre 5 sa Ikalawang palapag sa No. 25 Beetle St., Valle Verde 6, Brgy., Ugong Pasig.

Ang dating vice governor ay kapatid ni House Deputy Speaker Ralph Recto at Roxanne Recto.

Paniwala ng awtoridad may ilang araw na itong patay dahil sa pangangamoy.

Magugunita, si Recto ay inaresto ng mga awtoridad noong Hulyo matapos sampahan ng Violence Against Women and Children ng kanyang dating kasintahan. ELMA MORALES