NAKAW NA MOTORSIKLO NABAWI SA BINATILYO

NASABAT ng Sto. Domingo Police sa Nueva Ecija sa kanilang Oplan Sita operation ang ninakaw na motosiklo sa Pangasinan.

Ayon kay Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) information officer Maj. Arturo Melchor Jr. nakipag-coordinate sa kanila ang Rosales police at Sto. Domingo police hinggil sa ninakaw na motorsiklo sa Barangay Tomana West sa bayan ng Rosales.

Nabatid na ang nagnakaw ay mula sa bayan ng Umingan na boundary mg lalawigan at Nueva Ecija.

Nakatakda namang ibalik sa may-ari ang motorsiklo.

Habag nasa kustodiya na ang Municipal Social Welfare Office ang suspek na menor.

Ayon kay Melchor ang MSWO na ang tutukoy kung ano ang kaparusahan sa binatilyo kung paano ito matutulungan.

“The social welfare office will conduct an assessment on the suspect. If he is a habitual offender, charges might be filed against him despite his age but it will depend on the recommendation of the social welfare office,” ayon kay Melchor.

Comments are closed.