(Naki-tie up sa mga kolehiyo, unibersidad) INTERNSHIP PROGRAM INILUNSAD NG PLC OF CANADA

CALABARZON- INILUNSAD ng Pacific Link College (PLC) of Canada ang pakikipag tie-up sa iba’t ibang kolehiyo at Unibersidad sa bansa para palakasin at paigtingin ang tinatawag na “Transnational Education at Co-Op Internship Program” ng mga Pilipinong mag-aaral.

Nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pacific Link College of Canada at College of Saint Benilde (CSB) sa Manila kung saan dinaluhan mismo nina PLC founder at CEO Tarun Khullar at International Director Isaac Oomen, katuwang ang mga opisyal ng nasabing kolehiyo.

Plantsado na rin ang MOA sa pagitan naman ng PLC at Lyceum of the Philippines University sa Batangas City, matapos na agad itong isunod sa listahan ng mga eskuwelahan isang araw matapos ang pirmahan sa CSB Manila.

Layunin ng programa na bigyang pagkakataon ang mga estudyante na magkaroon ng access sa careers and education opportunities sa Canada, kung saan puwede silang mamuhay, magtrabaho at mag-migrate.

Gayundin, nakalinya rin sa mga outreach program ang PLC sa mga hard- to-reach areas sa bansa, at namamahagi ng mga educational materials at laruan, at pagbisita sa mga orphanage at pagbibigay saya sa mga bata partikular sa isang bahay ampunan sa Dasmarinas City, Cavite.

Ayon kay PLC Managing Director Roden Santos Mama, marami pang plano ang PLC sa mga susunod na buwan sa mga gagawin nilang pag-iikot sa loob at labas ng bansa, na tiyak na magbibigay benepisyo sa mga estudyanteng Pinoy. MB