NAKIALAM SA PAG-ARESTO, MAG-ASAWANG MIYEMBRO NG CPP-NPA TIMBOG

QUEZON CITY – SWAK sa selda ang mag-asawang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP/NPA) makaraang makialam sa pag-aresto ng mga pulis sa isang murder suspect sa Brgy. San Francisco Del Monte.

Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, MGen. Guillermo Eleazar ang mga dinakip na sina Alexander Birondo, 67, at Winona Marie Birondo, ng Block 5 Lot 5 Strauss St., North Olympus Subdivision,  Barangay Kaligayahan.

Si Alexander ay   staff ng National Education Commission ng CPP habang si Winona Marie ay secretary ng kanilang National Propaganda Commission.

Naaresto ang dalawa alas-5:30  ng umaga sa isang apartment sa Barangay Mariblo nang harangin nila ang operasyon ng District Special Operations Unit (DSOU) para isilbi ang  warrant of arrest laban kay  Rolando Caballero alyas Jet.

Ayon kay Quezon City Police District Direct, BGen. Joselito Esquivel Jr., dinala sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang Binondo couple para sa booking procedures suba­lit nadiskubreng may mga dati ng mga kaso gaya ng paglabag sa  Republic Act 10591, o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at iba pa.

Bagaman na-dismiss na ng Quezon City RTC ang kaso ng mag-asawa, dinala pa rin ang mga ito para sa inquest at alas-10 ng gabi noong Hulyo 23 ay binigyan ng search warrant ni Executive Judge Cecilyn Burgos-Villavert ang mga pulis at sundalo para magsaliksik sa umano’y safehouse ng mag-asawa kung saan nakita ang mga baril, pampasabog at bala. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.