SA gitna ng sigalot sa karagatang sakop ng West Philippine Sea nakikinita ng Department of National Defense (DND) ang pagsasakatuparan ng joint or separate undertaking sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), United States, Japan at Australia.
Sa ginanap closing ceremony ng inaugural exercise ALON 2023, ang kauna-unahang bilateral amphibious exercise sa pagitan ng AFP at Australian Defense Force sa tejeros Hall , AFP Officers Club SA Camp Aguinaldo kahapon, inihayag ni Defense Under Secretary Ireneo Espino ang posibilidad na pagkakaroon ng multilateral naval patrol sa West Philippine sea.
“We are, of course, anticipating the conduct of joint maritime patrols with Australia in areas of common interest, together with other like-minded partners such as Japan and the United States.
Una rito, nilinaw ni AFP of staff Lt. Gen. Romeo Brawner na hindi pinagtutulungan ng Pilipinas, US, Japan at Australia ang China sa gitna ng joint naval drills ng nasabing mga bansa sa pinagtatalunang karagatan.
Nilinaw ng heneral na mayroong sariling interes ang mga nasabing bansa at kapag nagsama-sama ang mga ito na magkakatulad ng pag-iisip ay mas maraming makakamit.
Magugunitang ang napaulat na joint naval exercises ay isinagawa ilang Linggo matapos ang naging komprontasyon sa Ayungin Shoal ng West Philippine Sea noong Agosto 5 nang harangin at bombahan ng Chinese Coast Guard (CCG) ng tubig o water cannon ang mga sasakyang pandagat ng Philippine Coast Guard na magre-resupply sana sa mga tropang Pilipino na naka-istasyon sa nakasadsad na BRP Sierra Madre ng Philippine Navy.
Sinundan ito ng pahayag na suporta mula sa US, Japan, at Australia para sa Pilipinas at kinondena ang mga aksyon ng Beijing bagamat kasunod ng insidente mabilis na nilinaw ni Brawner na ang joint drills ay hindi bago sa militar ng Pilipinas at ang mga ito ay hindi nakatutok sa isang partikular na bansa.
Paliwanag pa ng opisyal, dahil sa mga ng nasabing naval drills, nakakasalamuha ng mga sundalo ng Pinoy ang militar ng ibang bansa para mahasa ang kanilang kakayahan at pagsasanay lalo na sa paggamit ng mga modernong armas, taktika, at at pagpapalakas ng kanilang interoperability. VERLIN RUIZ