PINARANGALAN ng Armed Forces of the Philippines ang limang sundalo na nasugatan sa pakikipagbakbakan sa teroristang Dawlah Islamiya sa Maguing, Lanao del Sur noong isang linggo.
Bukod sa parangal, nakatanggap ng citation medals at cash assistance mula sa pamunuan ng AFP- Western Mindanao Command.
Pinangunahan ni Lt. Gen. Alfredo Rosario Jr., commander ng AFP WestMinCom, ang pagggawad ng parangal at medalya sa mga nasugatan na sina Pfc.Jayson Dayhop, Pfc. Romeo Aclan Jr., Pvt. Jayson Jay Pielago, Pvt. Genes Mike Rellon at Pvt. Ariel Bahala.
Ang limang sundalo ay mula sa 55th Infantry Battalion, na nasugatan nang makipaglaban sa mga terorista sa Barangay Ilalag sa Maguing.
Sa nasabing bakbakan, nasawi si Pvt. Clint Rey Armada habang pito sa panig ng mga terorista ang nasugatan.
Tiniyak ng militar na tutulungan ang pamilya ng napaslang na si Armada. EUNICE CELARIO