NAKIPIYESTA NALASON, 118 NAOSPITAL

food poison

NORTH COTABATO – NAUWI sa kamata­yan ang pagtungo sa piyesta ng isang 53-anyos na lalaki habang umaabot sa 118 ang naospital nang malason sa lalawigang ito.

Nangyari ang insidente habang nagkakaroon ng selebrasyon ng kapistahan sa Brgy Salasang sa Arakan kung saan marami ang namiyesta.

Pagkatapos kumain ay nakaramdam umano ng sobrang sakit ng tiyan, nagsusuka at LBM ang ibang mga residente.

Agad dinala ang mga biktima sa mga pagamutan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng IPHO Cotabato at Arakan Municipal Health Office lalo na sa nakain ng mga biktima na naging sanhi ng kanilang pagkalason. PMRT

Comments are closed.