(Nakitaan ng DA-Region 2 ng mataas na antas ng kemikal) MGA GULAY AT PRUTAS DELIKADONG KAININ

Gulay at Prutas

CAGAYAN – NAGSAGAWA ng pagsusuri ang Deparment of Agriculture (DA) Region-2 makaraang makitaan ng mataas na level ng chemical content ang ilang ibenebentang gulay at prutas sa loob at labas ng pamilihang lungsod ng Tuguegarao City, Cagayan.

Sinabi ni Erlinda Tuluan ng DA Region-2, kabilang sa umano’y nakakitaan at nagpositibo o kaya nahigitan ang katangagap-tanggap na maximum residue limit (MRL) ay ang mga gulay na inaangkat ng lungsod ay sa lalawigan ng Nueva Vizcaya, Roxas, Isabela, Ilocos Region at sa Solana, Cagayan.

Batay sa pagsususri ng pamunuan nang DA Region-2 sa mga sample ng gulay at prutas, na lumalabas at nakakitaan ang mga ito ng mataas na level carbamate at organophospate content na lagpas sa pinahihintulutang limit.

Ayon pa kay Tulauan na ang naturang mga substance ay mga uri ng kemikal na ginagamit sa pestisidyo na maaaring makalason at makapagpahina sa respiratory at muscle system ng isang tao.

Kaya ipinag-utos ni Tulauan na kailangang pagbawalang makapasok sa merkado ang mga produktong may mataas na pesticides residue habang maaari namang kainin ang below MRL.

Samantala, nanawagan na ang DA mga mamimili na hugasan nang maigi ang mga inilulutong gulay at hugasan din ang mga prutas upang makatiyak na matatanggal ang 99%  na chemical residues at dumi nito

Ipinapayo pa rin na mas magandang ibabad muna ang gulay o prutas sa tubig saka banlawan uli, upang masigurado na matanggal ang nakadikit na dumi o chemicals. IRENE GONZALES

Comments are closed.