BALIK South Korea na ang ilan sa mga Korean nationals sa Cebu City na nakitaan ng sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Health Assistant Secretary Maria Rosario na base sa ulat na natanggap nito, sa 19 Koreanong naka quarantine sa Cebu ay mas mababa sa 10 na lamang ang nananatili sa kanilang hotel matapos pabalikin ang karamihan sa mga ito sa South Korea.
Matatandaang unang nakapagtala ng 26 Korean national na persons under investigations (PUIs) sa COVID-19 ang Cebu City at 7 dito ang nawawala.
Hanggang sa kasalukuyan, patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga nawawalang Koreano.
Dahil dito, ipinag-utos na rin ni Cebu Governor Gwen Garcia ang pagsasailalim sa 14-day quarantine period ng lahat ng pasaherong manggagaling sa mga COVID-19 affected areas sa South Korea kabilang ang Gyeongsang province, Daegu City, at Cheondo Country. DWIZ 882
Comments are closed.