(Nakolekta ng BOC mula Enero hanggang Agosto) P11.7-B TARIPA SA RICE IMPORTS

NAKAKOLEKTA ang Bureau of Customs (BOC) ng P11.69 billion na taripa mula sa 1.74 million metric tons (MT) ng rice imports mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.

Mas mataas na ito ng 17 percent sa minimum funding requirement para sa annual Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) para sa susunod na taon.

Ayon kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ang revenues mula sa rice imports sa Jan. 1-Aug. 29, 2021 period ay nagmula sa shipments na may kabuuang halaga na P35.07 billion.

Sa kanyang report kay Finance Secretary Carlos Dominguez III ay sinabi rin ni Guerrero  na sa improved valuation system ng BOC ay tumaas din ang average value ng rice imports ng 4.1 percent sa P20,188 per MT sa naturang panahon mula sa P19,386 per MT sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

“Even with a 7.6-percent drop in volume from 1.88 million MT in the Jan. 1 to Aug. 29, 2020 to 1.74 million MT in the same period this year, the revenue collected by the BOC dipped only slightly by 4.4 percent from PHP12.22 billion to PHP11.69 billion,” aniya.

69 thoughts on “(Nakolekta ng BOC mula Enero hanggang Agosto) P11.7-B TARIPA SA RICE IMPORTS”

  1. 787191 459414when i was a kid, i enjoy to receive an assortment of birthday presents like teddy bears and mechanical toys, 272634

Leave a Reply

Your email address will not be published.