NAKAKOLEKTA ng P36.6 billyong halaga ng buwis ang pamahalaan mula sa mga imported na bigas sa tatlong taon na ipinatupad na Rice Tarification law
Sinabi ni Finance Secretary Carlos Domingues III na direktang nakikinabang sa kitang ito ng gobyerno ang mga magsasaka ng palay sa pamamagitan ng P10 bilyong taunang pondo para sa mga programang laan para sa kanila tulad ng paggamit ng mga makina sa pagsasaka, dekalidad na uri ng buto, pautang at pagsasanay.
Ang P10 bilyong pondo para sa mga magsasaka ng palay kada taon ay inilalaan sa Agricultural Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na magtatagal hanggang 2024.
Ayon kay Dominguez, ang nasabing batas ay isang oportunidad para baguhin nang lubusan ang sektor ng agrikultura at tulungan ang mga magsasaka na mas maging competititve sa gobal economy.
Sa datos ng Department of Agriculture (DA), lumalabas na mula nang maipatupad ang RCEF ay higit P1 milyon na magsasaka ng palay sa bansa ang nakatatanggap na ng higit 8.6 milyong bags ng certified rice seed na napatunayang mas maraming ani kumpara sa tradisyunal na rice seed.
Resulta nito ay higit sa 830,000 ektarya ng palayan sa buong bansa ang ngayon ay umaani ng mas marami kaysa dati. BETH C.