(Nakolekta noong 2022) P8.88-B BUWIS MULA SA POGOs

POGOS

LUMOBO ng mahigit sa 100 porsiyento ang buwis na nakolekta ng bansa mula sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) noong nakaraang taon, ayon sa Department of Finance (DOF).

Sa datos ng DOF, ang nakolektang buwis mula sa POGOs ay umabot sa P8.88 billion noong 2022, mas mataas sa 3.91-B na naitala ng 2021. Karamihan sa mga nakolekta ay kinabibilangan ng withholding taxes at gaming taxes.

Ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), tumaas ang tax collections sa kabila ng malaking pagbaba sa bilang ng registered POGOs sa 32 hanggang noong July 18, mula sa pre-pandemic peak na 281 noong 2019.

Samantala, ang accredited service providers ay nasa 106.

Umaasa si PAGCOR Chair and CEO Alejandro Tengco na papalo ang gross gaming revenues mula sa POGOs P24 billion sa pagtatapos ng taon, higit ang doble sa P11 billion na naiposte noong 2022.

Pinaigting ng PAGCOR at local authorities ang crackdown sa POGOs na sangkot sa illegal activities.

“We shall undertake this painstaking process to weed out the unscrupulous companies and individuals using the PAGCOR license for illegal activities, tainting the name of the whole industry and most especially the Philippines,” pahayag ni Tengco.