UMABOT sa P14.2 million na multa mula sa colorum or unregistered public utility vehicles (PUVs) ang nakolekta ng pamahalaan sa first half pa lamang ng Pebrero.
Sa isang statement, sinabi ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) na ang crackdown laban sa colorum PUVs ay naglalayong protektahan ang mga commuter, motorista at pedestrian mula sa panganib na maaaring idulot ng mga colorum na PUVs.
“With fines reaching up to PHP200,000 per van and an astounding PHP1 million per bus, the government’s dedication to prioritizing road safety is evident,” ayon sa SAICT.
Nagpapatuloy ang operasyon laban sa unregistered PUVs na sinimulan noong nakaraang taon at nakakolekta ng kabuuang P17.4 million na multa noong Enero.
“Department of Transportation (DOTr) anticipates that their intensified campaign will uncover more illegal and unregistered vehicles,” sabi pa ng SAICT.
Nanawagan ito sa publiko na i-report ang kahina-hinala o illegal PUVs sa DOTr hotline 0920-964-3687.
Ang SAICT ay sinamahan sa anti-colorum operations ng Philippine Coast Guard.
Ang SAICT ay isang government task force na naatasang bantayan ang mga kalsada sa bansa. Dati itong tinatawag na Inter-Agency Council on Traffic.
(PNA)